LEGAZPI CITY – Nakatanggap ng agricultural assistance mula sa iba’t ibang ahensya ang ilang mga residente ng Camalig, Albay.
Sa pagtutulungan Department of Agriculture (DA), Bureau of Fisheries & Aquatic Resources (BFAR), Albay 2nd District Representative, Hon. Congressman Joey Sarte Salceda, at lokal na pamahalaan ng Camalig ay matagumpay na nabigyan ang mga residente ng tilapia fingerlings.
Isinagawa ang pamamahagi ng asistensya sa Black Pepper Resto, Brgy. Salugan ng nasabing bayan.
Layunin ng nasabing aktibidad na mapalakas pa at maparami ang hanapbuhay sa lugar at isa rin itong pundasyon sa paglago ng ekonomiya dahil mababawasan nito ang kakulangan sa pagkain at matutulungang maging produktibo ang mga residente.