LEGAZPI CITY – Nagsimula na ang camapaign rally sa lungsod ng Legazpi.
Sa umaga ay nagkaroon muna ng misa sa St. Raphael Parish Church ang Team Rosal na pinangunahan ni aspirant Mayor Geraldine Rosal kasabay ng kanyang bise alkalde na si Bobby Cristobal at mga konsehal, sumama rin ang kanyang butihing asawa na aspirant Governor Noel Rosal.
Makalipas ng isang oras na misa ay nagsimula na ang pag-iikot ng mga kandidato kasabay rin ang mga tagasuporta.
Inabangan din ng mga residente ang kani-kanilang napupusuang mga kandidato sa lungsod.
Samantala, bitbit din ng Team Rosal ang Probinsyano Partylist.
Sa hapon, nagsimula rin ang grupo ng Team APG at Ako Bicol Partylist o AKB kung saan pinangunahan din ni aspirant Mayor Alfredo Garbin at bise alkalde nitong si Allan Rañola kasabay ang mga tumatakbong konsehal.
Nagkaroon din ng misa sa Albay Cathedral Church bago ang pag-iikot ng mga kandidato sa lungsod.
Naroon din ang grupo ni aspirant Governor Al Francis Bichara, aspirant Atty Grex Lagman kasabay ang 2nd District Board Member kung saan nagtapos rin ito sa Penaranda park matapos ang kanilang pag iikot ng nabanggit na grupo.
Sa pagsapit ng gabi ang bawat residente o barangay sa legazpi ay kanya kanya ng dinaluhan na kanilang napupusuan na kandidato sa grupo ng team Rosal na ginanap ang proclamation rally sa Sawangan Park habang ang grupo ng APG sa Albay Peñaranda Park.
Mas lalo pang inabangan ng supporters ng bawat partido ang paglabas ng Spongecola at Itchyworms