37 anyos na lalaki arestado sa ikinasang drug buy-bust operation ng mga kapulisan sa bayan ng Sta Elena

CAMARINES NORTE- Isang 37 anyos na lalaking pinaghihinalaang tulak ng iligal na droga ang nahulog sa kamay ng mga otoridad dakong  alas dose ng mdaling araw nitong Marso 23, 2022 sa ikinasang buybust operation ng mga kapulisan ng Sta. Elena MPS sa Purok-2, Barangay San Lorenzo, Sta Elena, Camarines Norte

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Ang suspek ay kinilala sa alyas na si alyas “Enso”, 37 anyos, residente ng nabanggit na lugar  

Sa isinagawang operasyon, nakumpiska sa suspek ang iligal na droga na tinatayang umaabot sa halagang Php 3,000.00.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Sa kasalukuyan, ang nasabing suspek kasama ng mga nakuhang ebidensya ay nasa pangangalaga na ng nabanggit na himpilan ng pulisya

Kasong paglabag sa Section 5, Article II ng RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang kakaharapin ng suspek.