CAMARINES NORTE- Isang 37 anyos na lalaking pinaghihinalaang tulak ng iligal na droga ang nahulog sa kamay ng mga otoridad dakong alas dose ng mdaling araw nitong Marso 23, 2022 sa ikinasang buybust operation ng mga kapulisan ng Sta. Elena MPS sa Purok-2, Barangay San Lorenzo, Sta Elena, Camarines Norte
Ang suspek ay kinilala sa alyas na si alyas “Enso”, 37 anyos, residente ng nabanggit na lugar
Sa isinagawang operasyon, nakumpiska sa suspek ang iligal na droga na tinatayang umaabot sa halagang Php 3,000.00.
Sa kasalukuyan, ang nasabing suspek kasama ng mga nakuhang ebidensya ay nasa pangangalaga na ng nabanggit na himpilan ng pulisya
Kasong paglabag sa Section 5, Article II ng RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang kakaharapin ng suspek.
