895 child development workers sa Albay, nakatanggap ng 3k na cash assistance

LEGAZPI CITY – Nakatanggap ng P3,000 cash assistance ang 895 na Child Development Workers (CDW) sa Albay sa isinagawang programa noong Marso 18 sa Albay Astrodome.

Ang nasabing cash assistance ay nagmula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) kasama ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa pangunguna ni Albay Gov. Al Francis Bichara.

Read More:  Possible tawas, not shabu, found in Bacolod student’s bag, police say

Ang pamimigay ng cash assistance sa isinagawang programa ay bilang pagtalima sa R.A. 10410 o Early Years Act of 2013 kung saan ang mga ahensiya ng gobyerno hanggang sa mga barangay ay nararapat na magkaroon ng umiiral na early education service sa mga kabataan.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Bukod sa P3,000 cash assisatance, namahagi rin ng karagdagang suporta-pinansiyal na nagkakahalagang P3,000 si Bichara sa mga kwalipikadong CDW, kung saan 690 mula sa 895 ang mga nakatanggap.