Kasalukuyang ipinapagawa ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang tatlumput tatlong unit ng 62-footer fishing boat sa Wawandue, Subic, Zambales.
Nitong Lunes ay binisita ni Department of Agriculture Sec. William Dar at BFAR Region 3 Dir. Wilfredo Cruz ang Pacificfortia Marine Technologies, Inc. na gumagawa nito.
Ayon kay BFAR Dir. Cruz, nagkakahalaga ng pitong milyong piso ang bawat isa ng bangka.
Kapag natapos ay ibibigay umano ito sa tatlumput tatlong mga kooperatiba at asosasyon.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
