NIA ihihinto ang pagpapadaloy ng tubig mula sa mga dam sa Abril upang bigyang daan ang harvest season

CAMARINES NORTE- Inihayag ng National Irrigation Administration (NIA) na pagsapit ng buwan ng Abril ay ihihinto ang pagpapadaloy ng tubig mula sa mga pangunahing Dam patungo sa mga palayan.

Sa panayam ng Brigada News Daet sinabi ni Mar Villamonte, Information Officer ng Irrigation Management Office Camarines Norte na ang hakbang na ito ay upang bigyang daan ang harvest season.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Ito rin umano ay upang mabigyan ng pagkakataon ang mga contractor na tapusin ang mga hindi pa natatapos na mga proyekto.

Ihihinto ang pagpapadaloy ng tubig mula sa Alawihao Dam, Talisay Dam at Matogdon.

At ngayong opisyal nang ideneklara ng Pagasa ang panahon ng tag- init ay tiniyak ng NIA na hindi kakapusin ng tubig ang mga nabanggit na Dam.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Ani Villamonte sapat ang suplay ng tubig sa national system dahil kapag harvest  season ay kinkokontrol ng NIA ang pagpapadaloy lalo na sa malalaking dam.

Ito umano ay para hindi masayang ang tubig at mayroong magagamit sa susunod na cropping season.

Kung mayroong nagkukulang ay nangyayari umano ito sa communal irrigation system.