Mahigit 800 magsasaka sa bayan ng Basud nakatanggap ng fertilizer mula sa DA

CAMARINES NORTE- Aabot sa 835 na mga magsasaka sa bayan ng Basud, Camarines Norte ang nakatanggap ng fertilizer mula sa Department of Agriculture na ipinamahagi ngayong linggo.

Ayon sa Municipal Agriculture Office unang batch pa lamang ang nakatanggap ngayong linggo at mayroon pa umanong mga susunod.

Sa ilalim ito ng voucher program ng DA kung saan makakatanggap ang magsasaka ng P3, 000 cash kada ektarya kapag hybrid seeds at P2, 000 kapag inbred.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Ang voucher ay ibinibigay sa accredited merchant ng DA para ibili ng abono.

Ang ang accredited merchant sa naturang bayan ay ang Bactas Farmers Agri Cooperative at Caayunan Multi- Purpose Cooperative.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Ginawa ang distribution ng fertilizer sa opisina ng MAO na nagsimula noong Lunes.

Namimigay umano ang DA ng fertilizer kada cropping season.

Ang hakbang na ito ay malaking tulong sa mga magsasaka lalo na ngayong nahaharap pa rin ang marami sa krisis na dulot ng COVID- 19 pandemic.