So.Cot nakapagtala na ng isang namatay dahil sa rabies

KORONADAL CITY- NAKAPAGTALA na ng unang kaso ng human rabies death ang South Cotabato sa unang quarter pa lamang ng 2022. Ito ang kinumpirma ni Rabies Program Coordinator John Codilla ng Integrated Provincial Health Office (IPHO).

Ayon kay Codilla na nakamamatay ang rabies lalo na kung hindi bakunado ang aso o pusa na nakakagat at kung hindi nagpabakuna ng anti-rabies ang nakagat.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Dahil dito, hinihikayat ng opisyal ang mga biktima ng animal bites na agad na magtungo sa mga animal bite treatment centers upang mabakunahan.

Read More:  Heavy rains trigger flooding, damage dikes in parts of Gensan, Soccsksargen

Noong 2021, pito sa mga namatay dahil sa rabies sa lalawigan ay unvaccinated.

Binigyang diin ng opisyal na bakuna lamang ang makakasugpo sa rabies at hindi ‘tandok’, langis o ‘lana’, bato-bato, at mga dahon.