3000 pamilya na apektado ng pagbaha sa Palimbang, nabigyan ng ayuda ng DSWD 12

KORONADAL CITY- NAKATANGGAP ng ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development o DSWD Region 12 ang 3000 mga pamilya sa walong mga barangay ng Palimbang, Sultan Kudarat na labis na naapektuhan ng pagbaha bunsod ng pag-ulan nitong buwan.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Kabilang sa mga apektadong barangay ang Tibuhol, Kolong-Kolong, Butril, Colube, Kraan, Libua, Lumitan at Kabuling.

Ang bawat pamilya ay nakatanggap ng isang box ng Family Food Pack.

Read More:  Mother killed in alleged stabbing by son in Cebu

Ang 3000 na mga food packs ay may kabuuang halaga na P 1, 650,000.

Ang pamamahagi ng ayuda ay pinangunahan ng Disaster Response Management Division ng DSWD 12.