‘Virtual reality game’ pinaniniwalaang mabisang therapy sa pasyenteng may anorexia ngayong panahon ng pandemya

Pinaniniwalaan na mabisang therapy sa mga pasyenteng may anorexia ang virtual reality game ngayong panahon ng pandemya.

Ang anorexia ay isang deadly eating disorder at serious mental health condition kung saan ang mga taong may ganitong kaso ay pinapanatiling mababa ang timbang hangga’t maaari sa pamamagitan ng hindi pagkain ng tama at pag ehersisyo.

Ito ay maaaring magdulot sa kanila ng matinding sakit at ang ganitong kundisyon ay kailangan gamutin ng limang taon. Ang gantong kondisyon ay kadalasang dahilan ng pag iwas kumain ng partikular na pagkain madalas dahil sa takot.

Ang mga Psychologists ng Maudsley Hospital sa South-East London ay sinusubok gamitin bilang therapy treatment ang virtual reality game.

Ito’y kung saan hinahayaan ang mga pasyente na maging pamilyar sa mga pagkaing kinatatakutan nila sa pamamagitan ng pag suot ng headset at dinadala sila nito sa isang computerized 3D universe.

Ang ilan sa mga 180 anorexia patients na gumamit nito ay  sinasabing ang mga nakikita nilang imahe sa virtual reality ay nakakatulong sa kanila na mabawasan ang takot sa mga pagkain at binibigyan sila ng kumpyansa na subukan ang mga pagkaing kinatatakutan nila.

Ang ganitong klaseng paggagamot ay kasalukuyang sinusubukan ng mga researchers ngunit pinaplanong gawin itong isang standard treatment para sa mga National Health Service (NHS) patients sa loob ng susunod na tatlo hanggang limang taon.### ANGELICA BUBAN, Intern