Comelec: Higit 100k ballots lang ang depektibo

Nilinaw ng Commission on Elections (Comelec) na tanging mahigit 100,000 balota lang, at hindi 5.2 million, taliwas sa naunang anunsyo, ang nakitang depektibo.

Paliwanag ni Comelec Commissioner George Garcia, na ang initial count ay 5.2 million, dahil ang ibang balota ay nasa parehong batch ng defective ballots na inihiwalay para sa verification.

Read More:  Remulla denies rumors of Romualdez leaving Quezon City Jail

Paliwanag nito, na kung ang isang balota ay nakitang depektibo, ang natitirang 999 ballotsna naimprinta sa parehong batch ay itatabi, dahil posibleng depektibo rin umano ang mga ito.

Read More:  PNP renews call for Bato to surrender as deadline ends

Ang defective ballots ay ang mga may smudges, folds, excess lines, wrong cuts, at iba pang printing errors.

Mula sa 5.2 million ballots na itinabi, sinabi ng commissioner na ang 3.3 million ay kalauna’y nadiskubreng “good ballots.” //MHEL PACIA-TRINIDAD