DepEd, nakiisa rin sa panawagang iveto ang vape bill

Nakiisa narin ang Department of Education sa mga health experts laban sa inamyendahang vape bill, na naghihintay nalang ng approval ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang vape regulation bill ay isinumite ng Senado kay Duterte noong nakaraang taon, kung saan ito ay nagpapababa sa edad ng mga indibidwal na pinapayagang bumili at gumamit ng e-cigarettes at vapes mula sa 21 sa 18-taong gulang.

Read More:  Two suspects arrested in killing of political vlogger Mima Alicia

Ayon sa Deped, kailangang i-veto ng pangulo ang “anti-health” vape bill.

Read More:  Romualdez ready to face Ombudsman complaint, says he will answer allegations

Binigyang diin ng ahensya na daan-daang libong ng mga senior high school students ang nasa proseso palang ng pag-mature at at ang pagkatuto nila ay posibleng makuha mula sa mga advertisements ng naturang “harmful products”, sakaling maging ganap na batas ito. //MHEL PACIA-TRINIDAD