CSC pinaalalahanan ang mga kawani ng gobyerno na huwag makisawsaw sa partisan politics

CAMARINES NORTE- Pinaalalahanan ng Civil Service Commission ang mga kawani ng gobyerno na huwag makisawsaw sa partisan political activities ilang araw bago magsimula ang campaign period para sa mga lokal na kandidato.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni Camarines Norte CSC Acting Director II Atty. Alicia Salinas na ipinagbabawal ang paglahok sa mga political activities ng mga career employee.

Exempted naman umano dito ang mga government employees na humahawak ng political position at co- terminus.

Hindi rin kasama sa prohibition ang mga job order employees dahil hindi umano maituturing ang mga ito na government employees at walang employer- employee relationship.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Pero paalala ni Salinas  na kahit exempted sa prohibition ang mga job order employees ay bawal aniya ang mga itong gamitin ng mga pulitiko para sa partisan political activities.

Ang gobyerno pa rin daw kasi ang nagpapa sweldo sa kanila at bawal na gamitin ang resources ng una.

“Although exempted from the prohibition yung mga like yung Mayor kasi they are holding political offices, pero bawal nilang gamitin yung mga job orders for their political ano,  for their, yung mga partisan political activities,” ani Salinas.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

“Kung nag -engage na sila engaging in partisan political activity na, kasi parang ginagamit nila yung resources ng government, kasi kahit hindi government employee si Job Order since ang sweldo niyan comes from government coopers pa rin naman,  so bawal po yun gamitin for political activities.”

Nang matanong tungkol sa mga isinusuot na kulay ng damit ay wala naman umanong problema dito ang CSC.