CAMARINES NORTE- Nanguna ang Camarines Norte Division sa mga eskwelahan sa Bicol Region sa may pinakamaraming eskwelahan na lumahok sa implementasyon ng limited face-to-face classes.
Batay ito sa inilabas na Memorandum ni DepEd Bicol Regional Director Gilbert Sadsad hinggil sa status of participation ng mga eskwelahan sa progressive expansion phase nito.
Nasa 286 na pampublikong eskwelahan sa lalawigan ang nagpapatupad na ng limited face-to face classes na may kabuuang 110, 528 na estudyante.
Sa pribadong eskwelahan naman ay mayroon nang 18 ang sumali na rin sa implementasyon ng limited face-to face classes na may 2, 829 na mag- aaral.
Sa kabila naman ng maraming eskwelahang lumahok ay una nang sinabi ni Schools Division Superintendent Nympha Guemo na kakaunti lang ang nag face-to- face classes sa sekundarya lalo na sa Senior High School.
Ayon sa opisyal mayroon lang nasa 6, 031 ang pumapasok sa eskwela o 36. 66 percent.
Habang sa Junior High School ay nasa 27, 032 ang pumapasok sa eskwelahan o 53. 21 percent.
