Bicol region, pangatlo sa may pinakamababang accomplishment sa national vaccination day IV – DOH Bicol

LEGAZPI CITY – Inanunsiyo ng Department of Health (DOH) Bicol na pumapangatlo sa ranking ng may pinakamababang accomplishment sa National Vaccination Day (NVD) IV ang rehiyong Bicol kumpara sa iba pang mga rehiyon.

Inihayag ni DOH Bicol Vaccination Program Coordinator Dr. Monrey Isaiah Mancilla na 35% lamang ng kanilang target na 50% ang nabakunahan sa nabanggit na rehiyon.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Ibinahagi rin ni Mancilla na ang probinsiya ng Catanduanes at lunsod ng Naga lamang ang tinaguariang better performing province at city sa Bicol sa NVD 4. Saad niya, nalagpasan ng parehong lugar ang kanilang target, kung saan nakapagtala ang Catanduanes ng 51% coverage at 82% naman sa Naga City.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Patuloy pa rin ang paghikayat ng kagawaran na magpabakuna na habang may pagkakataon pa upang maprotektahan ang sarili laban sa sakit na COVID-19.