LEGAZPI CITY- Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Women’s Month nag-aalok ng diskwento at pribilehiyo ang ilang establisyimento sa Lungsod ng Ligao.
Walo sa mga food establishments na ito ang nag-aalok ng libreng upsize sa mga inumin para sa bawat 3 order ng classic milktea, libreng bottomless drink, libreng leche flan, libreng cupcake at 5% discount para sa bawat pagbili ng pagkain na eksklusibo lamang para sa mga Juana.
Limang establisyimento naman ang nag aalok ng mga serbisyong pampaganda tulad ng diskwento sa serbisyo ng salon, libreng manicure para sa bawat pangunahing serbisyo sa buhok, libreng pedikyur para sa mga pangunahing serbisyo sa kuko (gel, nail art), libreng spoolie para sa mga serbisyo sa pilikmata at kilay, libreng hot oil/haircut para sa pag-avail ng hair color, at libreng cellophane/gupit para sa pag-avail ng hair rebond.
Ayon pa sa Pamahalaang Lungsod ng Ligao ang mga diskwento at pribilehiyo na bahagi ng Serbisyo Para kay Juana 2022 ay layon na ipadama sa bawat Pilipina na sila ay pinahahalagahan.