LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Department of Health (DOH) Bicol na ang lalawigan ng Camarines Sur ang pinakaraming nagkaroon ng sakit na Tuberculosis sa buong Rehiyon Bicol na umabot sa 7, 663 taong 2021. I
to ang inihayag sa ginawang Virtual Press Briefing ng DOH Bicol. Ayon sa tanggapan, ang Albay ay pangalawa sa may pinakamaraming mataas na kaso ng TB na umabot ng 5, 159.
Sinundan ito ng Masbate 2, 377, Sorsogon 2 293, Camarines Norte 1944 at pinakamababa ang lalawigan ng Catanduanes na mayroon lamang na 710 ng nasabing sakit.
Payo ng ahensya, agad komunsulta sa pinakamalapit na primary care provider kung nakakaramdam ng sintomas ng TB.
Binigyan diin rin DOH na lahat umano ng pagsusuri at gamot para sa TB libre kung kayat wala dapat na ikabahala.