Vaccination coverage sa catanduanes nasa 60% na

BNFM BICOL—Tuloy-tuloy pa rin ang isinasagawang vaccination roll out sa islang lalawigan ng Catanduanes.

Batay sa pinaka latest na vaccine statistics report ng Provincial Health Office kahapon, umabot na sa kabuuang 363,722 na mga indibidwal sa probinsya ang bakunado na kontra COVID-19 na katumbas ng 60% ng target population.

Read More:  Man found handcuffed, tied inside septic tank in Davao City

Mula sa naturang bilang, 198,711 individuals sa mga ito ang tumanggap na ng first dose ng bakuna habang nasa 165,545 naman ang fully vaccinated na kontra COVID-19.

Samantala, iniulat rin ng tanggapan na nasa 27,222 ng mga indibidwal ang tumanggap ng booster shots mula sa A1, A2 at A3 priority groups.

Read More:  20-year-old caretaker killed in Cebu robbery case

Kasabay ng tuluyang pagbaba ng mga nairerehistrong kaso sa isla, patuloy naman ang panawagan ng PHO sa publiko na panatilihin ang pagsunod sa mga umiiral na health protocols at magpa bakuna upang mabigyan ng proteksyon ang sarili laban sa nakamamatay na virus.###