Lolo na most wanted, huli sa Makati City

SORSOGON CITY – Natunton ng pulisya ang isang senior citizen, 11 taon matapos itong makagawa ng krimen sa bayan ng Prieto-Diaz, Sorsogon.

Nagtatrabaho na bilang isang tricyle driver ang akusadong kinilalang si Eugene Palmenco, 63 anyos at may-asawa.

Read More:  Couple stabbed by son while sleeping; Another father hacked in Zamboanga City

Hapon nang hulihin ng mga awtoridad ang maysala matapos mahanap sa bago nitong tirahan sa Brgy. Rizal, Makati City.

Itinuturing din si Palmenco na ika- 9 most wanted person ng Pto. Diaz Police.

Kasong Robbery na may piyansang P40K ang naipataw sa akusado na nasa kustodiya na ng Municipal Police Station ng nabanggit na bayan.

Read More:  2 dead, 2 injured after van crashes into two motorcycles in Cebu

Ayon sa pamunuan ng himpilan, pagpapatunay ito na patuloy na gumugulong ang hustisya at gaano man ito katagal ay mananagot pa rin ang maysala.