Higit P 1 billion COVID 19 claims noong 2021, hindi pa nababayaran ng Philhealth 12

KORONADAL CITY- NASA 39% pa lang o 25, 719 ng 65, 509 na mga COVID 19 claims noong nakaraang taon ang nabayaran ng Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth Region 12.

Ayon kay Philhealth 12 Information Officer Hannah Naanep na P 226.9 million pa lamang ng kabuuang P 1.5 billion COVID 19 claims ng mga hospitals at mga health facilities sa rehiyon ang kanilang nababayaran.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Inihayag ni Naanep na isa sa mga rason nito ay ang delay sa processing ng mga claims dahil sa pagkahawa sa COVID 19 ng ilang personnel ng kanilang tanggapan na naging dahilan ng pagkaantala ng kanilang operasyon.

Read More:  Fetus found dead inside restroom of inn in General Santos City

Dumadaan din sa masusing proseso ang validation at review ng mga claims upang masiguro na COVID ang sakit ng pasyente at tama ang binabayaran ng Philhealth sa mga ospital.