Lake Holon muling bubuksan sa publiko ngayong Marso

KORONADAL CITY- PAGKATAPOS ng mahigit dalawang buwang closure, bubuksan na muli sa mga turista ngayong buwan ng Marso ang pamosong Lake Holon sa bayan ng T’Boli.

Sa March 11 hanggang March 12, magsasagawa ang LGU ng Pilgrimage to Holon na isa sa mga aktibidad ng ika-24 na Seslong Festival at 48th Foundation Anniversary ng nasabing bayan.

Read More:  GenSan underpass project criticized anew after repeated flooding due to heavy rain

Matatandaan na pansamantalang ipinasara ang Lake Holon simula noong January 3 upang ito ay makapagpahinga sa mga turista at makabalik sa kanyang natural state.

Kasabay ng closure, nagsagawa ang LGU at mga stakehodlers ng clean-up drive, tree-growing at site evaluation sa lugar.

Ang Lake Holon ay isa sa mga dinadagsang tourist destination sa South Cotabato at Soccsksargen region.
Kabilang sa mga aktibidad dito ay ang trekking, swimming at kayaking.

Read More:  Tricycle gutted by fire in General Santos City after welding accident

Ito ay idineklara bilang “cleanest inland body of water” sa buong bansa noong 2003 at 2004 at kinilala bilang isa sa “World’s Top 100 Sustainable Destinations” noong 2016 at 2017.