Work from home, magiging optional na sa ilalim ng Alert Level 1 – DTI

Magiging optional na ang work from home arrangement sa mga lugar na mapapasailalim ng Alert Level 1 sa susunod na buwan sa gitna ng bumubuting sitwasyon ng COVID-19 sa bansa.

Sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na mas pinapaboran ang onsite work sa Alert Level 1.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Naniniwala ang kalihim na lalo nitong palalakasin ang mga negosyo tulad ng mga tindahan at restaurants dahil mas darami ang mga tao na lalabas ng kanilang bahay.

Inanunsyo ng gobyerno noong weekend na malalagay ang National Capital Region (NCR) at ilang lugar sa bansa sa ilalim ng Alert Level 1 mula March 1-15, 2022.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Sa ilalim ng Alert Level 1 ay papayagan ang lahat ng establishimyento, mga tao, o mga aktibidad na mag-operate sa 100% capacity.

Gayunman, nilinaw ni Lopez na mananatili ang vaccination requirement para sa indoor activities.