EU, popondohan ang armas ng Ukraine; Private jets ng Russian oligarchs, iba-ban sa EU airspace

Gagawa ang European Union ng ilang panibagong hakbang laban sa ginagawang pananakop ng Russia sa Ukraine.

Inanunsyo ng EU na mas lalo nitong hihigpitan ang mga sanctions laban sa Russia habang balak rin nito na magpatupad ng measures laban sa Russian ally na Belarus.

Inihayag rin ng EU na popondohan nito ang mga armas ng Ukraine upang matulungan ito na dumipensa laban sa Russian invasion.

Read More:  3 dead on cruise ship amid suspected virus outbreak

Ipinunto ni European Commission President Ursula von der Leyen na ito ang unang beses na bibili at magde-deliver ang EU ng mga armas at equipment sa isang bansa na under attack.

Tiniyak rin ng EU official na isasara ng European Union ang airspace nito sa Russian aircraft, kabilang na ang private jets ng Russian oligarchs.

Iba-ban rin ng bloc ang Russian state-owned television network na Russia Today at news agency na Sputnik.

Read More:  3 dead on cruise ship amid suspected virus outbreak

Naniniwala ang EU na sa ganitong paraan ay mapipigilan ang Russia sa pagpapakalat ng mga kasinungalingan para i-justify ang giyera na inilunsad ni Russian President Vladimir Putin, at gumawa ng dibisyon sa kanilang Union.

Mababatid na tinawag ng Russia ang mga aksyon nito laban sa Ukraine bilang “special operation” na hindi dinisenyo para omokupa ng teritoryo, kungdi para wasakin ang military capabilities ng kanilang katabing bansa, at huliin ang mga itinuturing nito bilang dangerous nationalists.