Aktibong kaso ng COVID-19 sa Catanduanes nasa 12 na lamang

BNFM BICOL—Nasa 12 na lamang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa islang probinsya ng Catanduanes batay sa pinakahuling tala ng Provincial Health Office as of February 25, 2022.

Ang naturang bilang ay mula sa 3,177 na mga naitalang kumpirmadong kaso ng sakit sa probinsya kung saan 3,035 na rin dito ang mga gumaling habang 130 ang mga  nasawi.

Read More:  Couple stabbed by son while sleeping; Another father hacked in Zamboanga City

Sa 11 mga bayan sa Catanduanes, ang bayan ng Virac ay nananatiling may limang aktibong kaso; tatlo sa bayan ng Pandan habang may tag-iisa ang mga bayan ng Caramoran, Bato, Gigmoto at Viga.

Read More:  PDEA shuts down suspected drug den in Davao de Oro

Patuloy naman ang paalala ng PHO sa publiko na manatiling sundin ang mga umiiral na minimum public health standards sakabila ng pagbaba ng mga naitatalang kaso ng nakamamatay na sakit.###