OPD ng BRTTH, tutugunan pa rin ang pangangailangang medikal ng publiko sa kabila ng limitadong pagtanggap ng mga pasyente

BNFM BICOL—Siniguro ng pamunuan ng Bicol Regional Training and Teaching Hospital o BRTTH- Out-Patient Department, na nananatiling bukas ang kanilang departamento para tugunan, ang mga pangangailangan at katanungang medical ng publiko sa pamamagitan ng kanilang ‘telecommunications at telemedicine.’

Ito ay kaugnay ng limitadong pagtanggap nila ng mga pasyente  bilang bahagi pa rin ng pag-iingat kontra COVID-19.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Sa isang panayam, hinikayat ni BRTTH-OPD Head – Dr. Raoul Zantua ang publiko, na mas mainam aniyang sa loob na lamang ng bahay gamutin ang mga simpleng karamdaman gaya ng sipon, ubo, diarrhea at iba pa.

Dagdag pa nito, ang mga katulad na sakit ay maaari ding ipakonsulta sa mga City at Rural Health Unit maging sa mga Barangay Health Centers.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Ganunpaman nilinaw ni Zantua na bukas ang ibang departamento ng nasabing pagamutan, habang patuloy naman silang tatanggap ng mga konsultasyon online.

Sa kasalukuyan, siyam na mga indibidwal ang naka admit sa BRTTH kung saan anim sa mga ito ang positibo sa COVID-19 habang ang tatlong iba pa ay patuloy na inoobserbahan matapos na makitaan ng sintomas ng virus.###