BNFM BICOL—Tanging tatlong lalawigan lamang sa Bicol ang nakapagtala ng mga bagong kaso ng COVID-19 kahapon.
Batay sa ulat ng Department of Health, 12 mga bagong kaso ng sakit ang naitala nitong araw ng Linggo kung saan sampo sa mga ito ang mula sa Camarines Sur partikular sa bayan ng Tigaon na may tatlo; dalawa sa bayan ng Bula habang may tag-iisang kaso ang Buhi, Libmanan, Pili, Siruma at Naga City.
Pawang isang kaso naman ang naidagdag sa Camarines Norte na mula sa bayan ng Basud at sa probinsya ng Sorsogon na mula naman sa bayan ng Pilar.
Sa kasalukuyan, pumapalo na sa 58,900 ang mga naitalang kaso ng COVID-19 sa rehiyon kung saan 4,453 sa mga ito ang nananatiling aktibong kaso.
Nadagdagan naman ng sampo ang bilang ng mga gumaling kung kaya’t nasa 52,307 na ang recoveries habang nananatili naman sa 2,140 ang bilang ng mga nasawi.###