Isang chef  na may kasong panggagahasa sa katrabaho nito, arestado ng pulisya sa bayan ng Daet

CAMARINES NORTE- Isang Chef na akusado sa panghahalay ang naresto ng mga tauhan ng pulisya sa pangunguna ng Daet MPS, Camarines Norte CIDG Provincial Field Unit at mga tauhan ng 1st at 2nd Provincial Mobile Company dakong alas 6:00 ng gabi nitong Pebrero 24, 2022 sa Purok 5, Brgy Bagasbas, Daet, Camarines Norte.

Ang naarestong personahe ay kinilalang si alyas “Ron”, 24 na taong gulang, binata at residente ng nabanggit na lugar.

Read More:  7-meter whale shark found dead along Bacolod City coast

Inaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong RAPE  na ipinalabas ni Hon Judge Arniel A. Dating ng Regional Trial Court of Daet, Branch 41, Daet, Camarines Norte na may petsang February 21, 2022 at walng rekomendadong piyansa.

Read More:  Coast Guard rescues eight crew members off Cagayan

Ang naarestong personahe ay ang akusado sa panghahalay sa 18 anyos na dalagang katrabaho nito na naganap noong Setyembre taong 2021.

Sa kasalukuyan ay nasa pangangalaga na ng himpilan ng Daet MPS ang akusado para sa pagproseso ng mga dokumentong kinakailangan bago iharap sa korteng pinagmulan ng warrant of arrest.