Mga lumikas na Pinoy sa Ukraine, ligtas na nakarating sa kanilang destinasyon

Pinawi ni Shirley Santosildes, head ng United Filipino Global sa Ukraine ang pangamba ng kanilang mga kaanak at kaibigan sa Pilipinas, hinggil sa kanilang kalagayan ngayon sa Ukraine, sa gitna ng patuloy na airstrike ng Russia.

Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Sa panayam ng Brigada News FM kay Santosildes, ligtas naman silang lahat na mga Pilipino, at sa katunayan ay nailikas na sila sa mas ligtas na lugar.

Dagdag nito, 38 silang umalis ng Kyiv sa pamamagitan ng bus na nagdala sa kanila sa western border, bago tumungo ng Poland.

Read More:  Marcos names Rodil Zalameda as new Supreme Court chief justice

Ilan sa nabanggit nitong kasama niya ay mga kababayang mula sa Ilocos at ang iba ay taga Visayas.

Sa gitna nito, ligtas at tahimik naman ang kanilang dinaanang kalsada palabas ng Ukraine. //MPT