16 na Pinoy sa Ukraine, di nakasama sa mga naunang lumikas

Ipinaliwanag ni Shirley Santosildes, head ng United Filipino Global sa Ukraine na hindi lahat ng mga Pilipino sa naturang bansa ay sumasa sa kanilang paglikas, sa gitna ng pagsisimula ng karahasan ng Russia.

Ayon kay Santosildes, may ibang kababayan na isinama ng kanilang mga employer sa paglikas sa mas ligtas na lugar.

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Sa gitna nito, inihayag ng head ng United Filipino Global sa Brigada News FM na may natitira pa umanong 16 na Pilipino sa Kyiv na hindi nakasama sa kanila dahil sa naantalang sasakyan.

Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited

Pero giit ni Santosildes, agad na susunod naman ang mga ito sa kanila.

Binanggit rin nito na karamihan sa mga kababayan sa Ukraine ay nagtratrabaho bilang mga house keepers, guro, at call center agents. //MPT