Hospital group, umapela na i-delay ang pagdedeklara ng Alert Level 1 sa loob ng 2 linggo

Nakiusap ang Private Hospitals Association Philippines (PHAPI) sa gobyerno na maghintay ng karagdagang dalawang linggo at i-monitor ang trend ng COVID-19 cases bago i-deescalate ang National Capital Region sa Alert Level 1.

Sinabi ni PHAPI Jose de Grano na posibleng magpabaya ang mga tao sa minimum health standards oras na lumipat ang NCR sa pinakamababang alert level.

Read More:  House prosecutor says VP Sara Duterte cannot be mere spectator in impeachment trial

Gayunman, sinabi ni de Grano na susunod naman sila sa kahit anong maging desisyon ng Inter Agency Task Force (IATF).

Iginiit naman ni de Grano na nag-aalala ang hospital groups na posibleng magkaroon ng surge ng COVID-19 cases, lalo na at panahon ng pangangampanya ngayon para sa eleksyon.

Read More:  Lacson calls Marcoleta’s recovery a ‘miracle’ after hospital discharge

Matatandaan na pinaboran ng mga alkalde ng National Capital Region ang rekomendasyon na ma-deescalate ang status ng rehiyon sa Alert Level 1 mula sa Alert Level 2 simula March 1, 2022.