BNFM BICOL—Nakatakdang isagawa ngayong darating na weekend ang ikalawang session ng “Refresher Course” program para sa mga reviewees ng Catanduanes Provincial Local Government Unit na magsasailalim sa Career Service Examination- Pen and Paper Test for Professional and Sub-Professional Level ngayong buwan ng Marso.
Ang unang session ng refresher course ay isinagawa na nitong February 19 at 20 sa Catanduanes State University Gymnasium habang sa darating naman na Feb 26 at 27 ang ikalawang session.
Ang mga tinanggap na reviewees sa nasabing kurso ay ang mga nakapagsumite lamang ng aplikasyon sa pamamagitan ng GO-HRRMD na isinumite naman ng CatSU.
Pinapayuhan ang mga reviewees na magdala ng kanilang sariling writing materials, tubig at snack gayundin ang paghikayat sa mga itong sumunod sa mga umiiral na health protocols.###