Pinag-aaralan ngayon ng ZAMECO o Zambales Electric Cooperative II na tanggapin ang alok ng energy company kung papaanong bahagyang mabawasan ang presyo ng bayarin sa kuryente ng mga consumer.
Ito ay makaraang umabot na sa halos labing apat na piso ang presyo ng kilowatt per hour mula sa mas mababang halaga noong enero.
Ayon kay ZAMECO II Gen. Manager Engr. Romwill De Jesus, alok nang San Miguel Corporation na namamahala sa power plant sa Masinloc, Zambales na puwedeng hindi muna bayaran ang ilang charges habang mataas ang halaga ng coal sa world market.
Bagamat pabor si De Jesus na mabawasan ang bayarin pero inaalala nito ang posibilidad na baka maipon ang halaga ng mga dapat bayaran at lalong mahirapan sa pagbabayad ang mga member consumer sa mga susunod na buwan.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO
