Paggalaw sa presyo ng mga bilihin asahan, dahil sa oil price hike – DTI

Aminado si Department of Trade Industry Sec. Ramon Lopez na posibleng magkaroon ng paggalaw sa mga bilihin ngayong patuloy ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Paliwanag ni Lopez may impact talaga ang tuloy-tuloy na umento sa presyo ng langis dahil tumataas din ang production cost ng mga producer at manufacturer.

Read More:  Palace says Dizon cleared, Cayetano not investigated in SEA Games issue

Kabilang sa mga posibleng makitaan ng pagtaas ay ang presyo ng isda, karne at iba pang bilihin.

Sa ngayon sinabi ni Lopez na wala pa naman silang natatanggap na request para magtaas ng suggested retail price (SRP) sa mga produkto.

Read More:  Cayetano backs SEA Games probe, seeks flood control investigation

Umaasa naman si Lopez na hindi na lumala pa ang tension sa pagitan Russia at Ukraine dahil posible din umano itong magdulot ng epekto sa pandaigdigang merkado.