Pagbibigay ng pension sa mga barangay officials, isinusulong sa Kamara

Isinusulong ngayon ng mababang kapulungan ng Kongreso ang pagbibigay ng pension sa barangay officials.

Alinsunod sa House Bill 10419 o “Barangay Pension Fund” tatanggap na ng pensyon ang mga punong barangay, mga miyembro ng barangay council, barangay treasurer at secretary.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Ito umano ay bilang pagkilala sa mahalagang papel ng mga opisyal ng barangay sa komunidad at sa gobyerno.

Huhugutin naman ang pondo mula sa Malampaya fund.

Nakasaad din sa panukala ang pagbuo ng Barangay Pension Fund Council na siyang mamamahala ng pondo, titiyak sa maayos na pamamahagi nito sa mga pensyonado at iba pang minamandato ng batas.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Sinabi sa house bill na sa kabila ng trabaho at pagseserbisyo ng mga opisyal ng barangay, hindi sapat ang kompensasyon na nakukuha ng mga ito.