PNP-Bicol, iginawad ang ‘financial assistance’ sa anak ng nasawing pulis sa nangyaring engkwentro sa San Miguel, Catanduanes

BNFM BICOL—Personal na tinanggap ng anak ng nasawing pulis na si PSMS John Teston ang financial assistance mula sa PNP Kasurog Bicol, kahapon araw ng Lunes.

Nagkakahalagang P372,000 ang iginawad sa naulilang anak ni Teston mula sa Public Safety Mutual Benefit Fund, na bahagi ng pagbibigay parangal at pagkilala sa ginawang kabayanihan ng namayapang alagad ng batas.

Read More:  College student killed in Cebu after ex-boyfriend allegedly stabbed her while trying to reconcile

Personal na iniabot ni PNP-Bicol –Regional Director PBGen. Jonnel Estomo ang nasabing financial assistance sa panganay na anak ni Estomo kasama ang kawani ng PSMBF.

Matatandaang si Teston ay nasawi sa nangyaring engkwentro sa pagitan ng PNP at ng mga rebeldeng grupo sa Sitio Tucao Brgy. JMA sa bayan ng San Miguel, Catanduanes nitong Pebrero 1.

Read More:  Two back-to-back earthquakes shake General Santos and nearby areas last night

Magsisilbi lamang sanan ito ng arrest warrant kasama ang pitong iba pang mga otoridad nang bigla lamang silang paulanan ng bala ng mga rebeldeng grupo.###