7 lungsod, 39 bayan, natukoy na posibleng may banta re: 2022 polls

Inihayag ng Armed Forces of the Philippines na nasa pitong lungsod at 39 na bayan sa bansa ang natukoy na pwedeng magkaroon ng banta kaugnay sa May 2022 national at local elections.

Ayon kay AFP spokesperson Army Colonel Ramon Zagala, sa pagtukoy ng mga lugar na nasa ilalim ng may banta, ay tiningnan ng Comelec ang mga nakaraang halalan kung saan may nangyaring karahasan at iba pang related incidents.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Dagdag ni Zagala, karamihan sa mga lugar na ito ay mula sa Mindanao, kung saan ito rin ay may mga presensya ng mga local terrorist groups, communist terror group (CTG), at private armed groups.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Mula naman sa mga naturang grupo, nakikita ng mga otoridad na ang CTG ang may malaking banta sa nalalapit na halalan. //MHEL PACIA-TRINIDAD