IATF, pagpupulungan ngayong araw ang magiging bagong quarantine status

Tatalakayin na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ngayong araw ang bagong quarantine status sa bansa hanggang sa katapusan ng Pebrero.

Dito rin titimbangin ng mga kinauukulan kung handa na ba ang National Capital Region (NCR) para mag-shift sa Alert Level 1.

Read More:  Imee Marcos questions President’s ‘don’t panic’ remark

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, ang bagong alert level classification sa NCR mula February 16 hanggang 28, ay depende sa magiging presentasyon ng Technical Working Group (TWG).

Read More:  House prosecution panel criticizes Sara Duterte’s defense team over renewed ‘fishing expedition’ claims

Sa gitna nito, nagbigay ng babala ang opisyal para sa posibilidad na pagpapababa sa COVID-19 alert level 1 sa NCR, dahil sa electoral campaign activities. //MHEL PACIA-TRINIDAD