ASec. Santiago bisita sa Camarines Sur sa pag-arangkada ng National Vaccination Days 3; mahigit 83,000 target mabakunahan sa lalawigan

NAGA CITY- Umarangkada na ang dalawang araw na National Vaccination Days Part 3.  83, 043 ang target naturukan ng first dose at booster sa Camarines Sur.

Umikot sa ilang vaccination sites sa lalawigan ang mga opisyal ng Department of Health kahapon, si Assistant Secretary for Health Dr. Nestor Santiago Jr. at DOH Bicol CHD Regional Director Dr. Ernie V. Vera kasama si Dr. Rosa Maria Rempillo, Head ng Public Health Preparedness and Response Unit (PHPRU) ng DOH Bicol, binisita ang Cabusao Central School vaccination site. Binisita rin ang bakunahan sa Bicol Region General Hospital and Geriatric Medical Center (BRGHGMC) pati Rural Health Unit (RHU) ng Sipocot  at Libmanan vaccination site.  May mga DOH employees din na tumulong sa parehong aktibidad sa bayan ng Ocampo. Tininggan din ang bakunahan sa Mega Vaccination Site na Jesse M. Robredo Coliseum sa Naga kasama si DOH CamSur Officer Dr. Rey Millena.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Ang probinsya ang may pinakamataas na target kung ikukumpara sa ibang mga karatig lalawigan sa Bicol, hindi pa rito kasama ang 10, 258 na target ng Naga.

Read More:  Possible tawas, not shabu, found in Bacolod student’s bag, police say

840, 922 na ang fully vaccinated sa Camarines Sur habang 117, 057 naman sa lungsod ng Naga.

Batid ng DOH na tumataas din ang vaccine hesitancy, mga ayaw nang magpabakuna ng booster dahil sa mga nababasa o nakikitang video na umano’y masamang epekto nito.

Ayon kay Dr. Monrey Isaiah Mancilla kailangan ang booster shot dahil nababawasan na ang proteksyon mula sa unang dalawang doses.

Kailangan ang bakuna upang hind imaging matindi ang epekto ng virus ayon pa sa health experts.