Russian Olympic skater Valieva, nagpositibo para sa banned drug

Nagpositibo sa banned heart medication ang 15-taong gulang na skating star na si Kamila Valieva.

Si Valieva ang nanguna para sa Russia paramakuha ang gold sa Beijing Olympics nitong linggo.

Read More:  JRU Heavy Bombers dominate Mapua, notch second win in NCAA Season 102

Dahil sa positive test, nanganganib ang team gold ng Russia at maging ang partisipasyon ni Valieva sa individual event.

Nabatid na ang sample ay nakuha bago manalo si Valieva sa European championship noong nakaraang buwan.

Read More:  UP Fighting Maroons extend winning streak to six after defeating Adamson in UAAP Season 89

Kaugnay nito, ang gamot na nadetect ay trimetazidine, isang metabolic agent na prescribed bilang gamot para sa angina at vertigo, kung saan ipinagbabawal ito ng World Anti-Doping Agency, dahil nakakapagpataas ito ng blood flow efficiency at nakakatulong sa endurance.