Iniimbestigahan ng U.S. House panel si dating President Donald Trump kaugnay sa paghawak nito sa records ng White House, matapos maretrieve ang 15 kahon ng mga dokuemnto mula sa kanyang private Florida property.
Ayon sa mga mambabatas, ito ay maikokonsiderang paglabag sa batas.
Giit ni House oversight panel chairwoman Carolyn Maloney, labis siyang nababahala na hindi agad naiturn over ang naturang mga records sa National Archives, nang matapos ang termino ni Trump noong January 2021.

Maliban dito, nababahala rin si Maloney sa mga naunang media reports na tinangka umano ni Trump na sirain ang presidential records, na maaring magresulta sa karagdagang seryosong paglabag sa batas.
Nabunyag pa umano na napansin ng mga staff sa White House ang baradong toilet, at nadiskubre ang naipong basang printed paper, na posibleng notes o ibang papel na itinapon sa toilet ng bathroom ng dating presidente.