Lalaking nagtangkang gumahasa sa isang 13 anyos na dalagita naaresto ng Capalonga Police

CAMARINES NORTE – Humihimas na ngayon ng rehas na bakal ang isang lalaki na nagtangkang gumahasa sa 13 anyos na dalagita sa Capalonga, Camarines Norte.

Ayon sa Capalonga PNP nangyari ito noong Lunes ng hatinggabi  kung saan nagtangka umano ang 41 anyos na suspek na kinilala lang sa alyas na Mel na gahasain  ang menor de edad na kapatid ng kaniyang kinakasama.

Ayon sa salaysay ng biktima na itinago sa pangalang “Kaye” 13, nagising umano siya sa mahimbing na pagkakatulog nang maramdaman niyang hinubaran siya ng damit at may bumubulong na huwag mag ingay.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Hindi natuloy ang tangkang pangagahasa ng suspek nang manlaban ang biktima kaya nakahingi ito ng tulong.

Sa puntong ito ay kumaripas umano ng takbo ang suspek.

Agad namang nagtungo sa lugar ang PNP Women and Children Protection Desk (WCPD) sa pamumuno ni PCpl Marivic Miranda upang arestuhin ang suspek na nasa kustodiya ngayon ng naturang Municipal Police Station.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Nahaharap ito ngayon sa kasong Attempted Rape na may kaugnayan sa RA 7610 o Child Abuse.

Sa isang pahayag binigyang diin ng Capalonga MPS na hindi nito pahihintulutan ang pang-aabuso sa kahinaan ng mga kababaihan lalo na ng mga kabataang walang kalaban-laban.