Legazpi City- Limang libong pisong cash assistance ang natanggap ng mga magsasaka sa Camalig, Albay mula sa programang Rice Competitive Enhancement Fund–Rice Farmer Financial Assistance ng Department of Agriculture o DA.
Ang nasabing seremonya ay ginanap sa Camalig National High School Covered Court.
Naging posible ang programa sa nasabing munisipalidad sa pamamagitan ng Provincial Agricultural Office sa pangunguna ni Che Rebeta.
Ayon sa Camalig Municipal Agriculturist Dante Alejandro, dalawang batch ang dapat mabigyan ng asistensiya noong Pebrero 7, ngunitini schedule nila ang pangalawang batch sa susunod na araw dahil mayroon pang 800 na mga magsasaka ang hindi pa nakakatanggap.
Sinabi naman ng mga magsasakang nakatanggap ng asistensiya na gagamitin nila ang natanggap na asistensiya sa pagbili at pagkuha ng fertilizers at iba pang uri ng pesticides.