Pagbabakuna sa mga 5-11 years old sa Pampanga, umarangkada na

Umarangkada na sa probinsya ng Pampanga ang COVID-19 vaccination drive para sa pediatric population na may edad 5 to 11.

Nasa 200 na bata ang nakatanggap ng unang dose ng reformulated Pfizer vaccine, sa paglulunsad ng Resbakuna Kids campaign sa Jose B. Lingad Memorial General Hospital kahapon.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Ang probinsya ay mayroong tinatayang 317,095 na bata na kabilang sa nasabing age group.

Samantala, paalala ng pamunuan ng ospital na kinakailangang magsuot ng mga bata ng face mask at face shield sa loob ng pasilidad at dapat din umanong magdala ng ID ang magulang o kasama ng bata bilang katunayan na magkamag-anak ang mga ito.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu