Mga tricycle driver sa Camarines Sur, umaaray na sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng petrolyo

NAGA CITY—Umaaray na ang mga tricycle driver at operators sa Camarines Sur sa sunod-sunod na pagtataas ng presyo ng produktong petrolyo hiling nila na mabigyan rin ng sapat na ayuda mula sa Pamahalaan.

Ito ang hinaing na ipinaabot sa Brigada News FM Naga ng namamasadang tricycle driver sa Partido area.

Read More:  Gunmen kill farmer in hail of bullets outside home in southern Negros town

Ayon kay Arnold Cabalquinto, Presidente ng GOTODA sa Goa, hirap sila sa pagkakayod dahil sa restriksyon sa bilang ng mga pasaherong dapat na isakay dahil sa COVID-19 pandemic. Nariyan din ang matumal na biyahe, dahil sa kakaunti ang lumalabas ng bahay lalo na ng mga hindi bakunado.

Idagdag pa dito ang pagtaas ng presyo kada litro ng gasolina.

Read More:  Kabankalan to host first-ever night run, half marathon on July 26

Kung kaya, nananawagan sila ng ayuda mula sa Gobyerno gaya ng ibinibigay na Fuel Subsidy sa mga jeepner driver sa ilalim ng Pantawid Pasada Program.

Maari rin naman aniyang suspendihin na lamang ang ipinapatong na excise tax na nakakadagdag sa kanilang pasanin tuwing magpapakarga ng gasolina.