CAMARINES NORTE- Naramdaman ang bilis ng pagdami ng naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bayan ng Daet sa loob lamang ng tatlong linggo nitong buwan ng Enero
Sa pinakahuling report ng Daet IMT sa pamamagitan ng datus mula sa Daet emergency Operations Center , mula sa 0% ADAR na naitala nitong January 3, 2022 ay umakyat ito sa 11.68 % average daily attack rate (ADAR) sa latest datus na may petsang January 25, 2022
Ang bayan ng Daet ay sinalubong ang bagong taon sa Zero active case status ngunit pagkalipas lamang ng tatlong linggo ay nakapagtala na ito ng 272 na aktibong kaso ng COVID-19
150 dito ay nagpositibo sa RT-PCR Test habang 122 ang nagpositibo sa Rapid antigen test
Dahilan upang pumalo na sa 1, 294 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID019 sa bayan ng Daet mula noong March 2020
Maliban dito ay mayroon pang 554 na indibidwal ang under monitoring ngayon ng EOC
Habang nakarekober na ang 1,081 na pasyente at 63 na ang nasasawi sa COVID-19 na pawang mga kumpirmadong kaso matapos ang mga ito ay nagpositibo sa RT PCR at Mayroon namang 34 na nasawi na COVID Pneumonia Suspect/Probable
