SC, papayagan ang mga Bar takers na makapagreview kapag break

Niluwagan ng Supreme Court ang isa sa kanilang mga polisiya para sa nalalapit na Bar examinations, kung saan papayagan na ang mga test takers na itago ang law-related files sa kanilang laptops para sa last-minute review.

Sa inilabas na bulletin, sinabi ni Associate Justice at Bar Exams Chairperson Marvic Leonen, na maaring gumamit ang mga examinees ng laptops para ma-access ang kanilang mga reviewers, sa oras na matapos ang kanilang health at security check, o kapag lunch break.

Read More:  Authorities seize ₱99.4 million worth of ketamine in two shipments from Switzerland and Amsterdam

Dagdag nito, papayagan silang gawin ito hanggang sa 30 minuto, bago mag-ring ang first ring (7:30 a.m. at 1:30 p.m.)

Read More:  Senate court imposes sub judice ban on all VP Sara impeachment articles

Samantala, nagpaalala naman si Leonen na ang mga reviewers ay dapat i-save sa local folders sa laptops, dahil ang pag-gamit ng internet ay hindi ipinapahintulot, maliban sa pag-download ng exam file at magsumite ng sagot.

Ang anumang tangka na pag-connect sa internet para sa hindi otorisadong layunin, ay maikokonsiderang “cheating.” //MHEL PACIA-TRINIDAD