CNPH hindi na muna tatanggap ng pasyente simula ngayong araw, doctor at nurses nagkakasakit na

CAMARINES NORTE- Inanunsiyo ng Provincial Health Office na hindi na muna tatanggap ng mga pasyente ang Camarines Norte Provincial Hospital simula ngayong araw, Enero 22 hanggang alas 12: 00 ng tanghali ng Lunes, Enero 24, 2022.

Batay sa ipinalabas na advisory na pirmado ni acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco, sa kasalukuyan umano ay marami na sa mga health workers ng CNPH ang nagkakasakit kabilang na ang mga doktor at nurses.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Kaya upang maiwasan  ang lalo pang pagkalat ng sakit sa mga empleyado ng hospital, pasyente o maging bantay ng pasyente ay kinakailangan umanong magsagawa ng disinfection sa lahat ng pasilidad ng CNPH. 

Pinapayuhan ang mga pasyente na darating sa mga nabanggit na araw na pumunta na sa ibang hospital upang agad na mabigyan ng atensyong medikal. 

Hiniling din ng pamunuan ng CNPH ang tulong ng mga Punong Bayan, Punong Barangay at iba pang opisyales ng pamahalaang lokal na maipalaam sa kanilang mga nasasakupan ang anunsyong ito. 

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Umapela rin ang PHO sa lahat na magdasal, magtulungan at sundin ang health protocols upang mapaglabanan  ang COVID-19.

Mababatid na bago ang anunisyong ito ay nilimitahan ang pagtanggap ng pasyente sa medical wards ng ospital upang maiwasan ang pagkalat ng infection.