Pinakamabagal na population growth sa loob ng pitong dekada, naitala ng Pilipinas

Naitala ng Pilipinas ang pinakamabagal na population growth sa loob ng pitong dekada.

Ayon sa datus na inilabas ng Commission on Population and Development nasa 0.3 percent lamang ang population growth rate noong 2021 na iniuugnay sa COVID-19 pandemic.

Read More:  Padilla renews death penalty call after MC taxi rider killing

Sa pagtatapos ng 2021 umabot sa 109,991,095 ang kabuo-ang populasyon ng bansa na mas mababa ng 2-million sa unang pagtaya ng ahensiya.

Naniniwala si PopCom chief Juan Perez III na ang pagbaba ng population growth rate ay dahil sa maraming mga Pilipino ang nagsasagawa ng family planning.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Malaking bagay umano ang nararanasang economic crisis at Covid-19 health emergency kung kaya’t nagdadalawang isip ang maraming mag-asawa na magkaroon ng anak.