NGCP aminadong hindi tiyak na walang power interuptions sa May 2022 election

Aminado ang National Grid Corporation of the Philippines na hindi nila maipapangako na walang power interruption sa darating na May 2022 Election.

Ayon kay NGCP Spokesman Atty. Cynthia Alabanza, bagama’t pinaghahandaan nila na maiwasan brownout sa araw ng halalan hindi pa rin nila ito matitiyak.

Read More:  COVID-19 cases in the Ph down 70% compared to last year

Paliwanag ni Alabanza nakadepende kasi ito kung hindi magkakasabay-sabay ang mga unplanned maintenance ng mga powerplants.

Una nang ibinabala ng NGCP ang posibleng pagnipis ng suplay ng kuryente sa darating na summer season dahil sa inaasahang mataas na demand.

Read More:  VP Sara defense awaits senate ruling on subpoena request

Sinabi naman ng grid operator na bilang pagtalima sa direktiba ng DOE, tiinitiyak nilang walang scheduled maintenance shutdowns ang magaganap sa panahon ng summer season.